Sounds of Blackness

Curated by Larry Ossei-Mensah
March 14 - July 24 2023

Sounds of Blackness is a group exhibition featuring an ensemble of visual artists from the African Diaspora, whose artworks investigate the history, time, memory, cultural identities, personal narratives, and varying facets of Black identity and Blackness. Named after the Grammy Award-winning musical ensemble it was inspired by, the exhibition features artworks that stimulate viewers’ senses, similar to how music’s vibratory capacity impacts its listeners. The artists, many of whom will be exhibiting in the Philippines for the first time, work across various mediums and create works that evoke expressions of joy, pain, beauty, and the complexities of Black life around the globe.

The exhibition is curated by Larry Ossei-Mensah and anchored by a selection of works from the collection of Filipino collector Timothy Tan. This unique presentation will include additional works from private collectors across Asia in order to cultivate a holistic perspective on the various strategies employed by the artists in the exhibition.

Sounds of Blackness is sponsored by Flexform, Poliform, and Ruby Jack’s Steakhouse and Bar.


Ang eksibisyong “Sounds of Blackness” ay isang pasinaya sa tipon ng mga manlilikhang sining biswal mula malawakang migrasyon (diaspora) ng mga Aprikano, at nagbabaybay ng kanilang samu’t saring ideya at pananaw. Inilalahad sa eksibisyon ang libot ng mga estilo, tunguhin, at malikhaing pagkilos ng mga pasibol at mga kilalang manlilikhang sining na nag-uugat sa African diaspora. Karamihan sa kanila ay unang beses na maitatanghal sa Pilipinas, at lahat sila’y namumuhunan sa iba’t ibang mga anyo ng sining gaya ng pagpipinta, pagguhit, iskultura, at bidyo. Sa pamamagitan ng kanilang paglikha, sinusuri ng mga artista ang kasaysayan, panahunan, alaala, mga pagkakakilanlang kultural, mga personal na salaysay, at magkakaibang kamukhaan ng identidad at katangiang Black.  

Ang pamagat ng eksibisyon ay mula sa pangalan ng Sounds of Blackness, isang grupo ng mga Amerikanong koro at musiko na nanalo sa Grammy Awards at nanguna sa music charts noong dekada 90. Ang proyekto ay isang siyasat sa mga paggawa ng mga manlilika mula sa African diaspora na pumupukaw sa mga panandam ng mga manonood, gaya ng kapasidad ng musika na pumintig sa mga tagapakinig nito. Ang mga likhang sining ay udyok para sa mga hiwatig ng ligaya, pighati, kagandahan, at ang mga kompleksidad ng buhay-Black sa buong daigdig. 

Ang sandigan ng eksibisyong Sounds of Blackness ay ang mga likhang sining mula sa koleksyon ni Timothy Tan, isang Pilipinong kolektor. Katuwang sa natatanging presentasyong ito ang ilan pang dagdag na piyesa mula sa iba pang mga kolektor sa Asya bilang tangka sa pagtatahi ng isang kolektibong pananaw ng mga pamamaraan ng mga artistang kasama sa eksibisyon. Si Larry Ossei-Mensah ang curator ng Sounds of Blackness.

PARTICIPATING ARTISTS

The Sounds of Blackness Soundscape

Curated by Carolyn "CC" Concepcion, the soundscape is a playlist that takes the listener on an auditory journey celebrating the multiplicity of Black expression. It also serves as a complement to the exhibition's aim to highlight the breadth and depth of Black creativity. Please enjoy!