Receive updates from The Met | REGISTER HERE |      

Ongoing Exhibitions




MUHON:
Traces of an Adolescent City

Galeriya Bangko Sentral ng Pilipinas
October 27 to December 29, 2017



Ang salitang “muhon” sa Filipino, naisasalin rin bilang “bantayog” o “pananda,” ay nag-aanyaya ng pagninilay sa panimulang kilos ng pagmarka sa isang takdang puwesto kapwa sa espasyo at panahon. Ang pagtayo ng muhon ay isang patunay ng pag-iral at pagtaya ng lugar sa kalawakan. Binibigyang diin ng eksibisyon ang pananaw na ang interpretasyon sa mga itinayong istruktura ay mahalagang paraan sa pag-unawa ng ating kamalayan at pagkabilang sa isang lugar.

Sa kasalukuyan, ang megalopolis ng Kalakhang Maynila ay bumangon mula sa guho ng matandang kolonyal na lungsod na winasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kaya naman, ang muling isinilang na kapitolyo ay ipinagpapalagay sa kasalukuyang konteksto bilang isang adolesenteng lungsod na patuloy sa pagbabago.

Ipinagpapalagay na ang salitang “adolesensya” ay naglalarawan sa suliranin ng pagkakakilanlan na hinaharap ng Kalakhang Maynila ngayon. Sa pamamagitan ng masusing pagsisiyasat sa siyam na gusaling itinayo matapos ang digmaan at mga elementong panlunsod, layunin ng Muhon na lumikom ng mga opinyon na magtatagpo sa magkasalungat na direksyon ng pag-unlad at pananatili. Tinatalakay rin nito ang resulta ng walang habas na pagsira sa napabayaang pamanang arkitektural at ang kawalang-malay sa suliraning ito.

Sa pagtunton sa bawat muhon sa kasaysayan, modernidad, at opinyon, ang Pabilyon ay isang pagtatangkang maunawaan ang mga pananda ng isang lungsod— ang linawin ang kanilang kahulugan at kahalagahan. Hangarin nito na maging plataporma para sa pinagsama at pinag-isang kilos ng pagninilay sa mga itinayong istruktura na nasa bingit ng maselang pagpapanibago o di-mapigil na pagkasira.

The Filipino word muhon, translated roughly as “monument” or “place-marker,” evokes contemplation through the primal act of marking a fixed point in both space and time. The construction of a muhon is an act of affirming one’s existence and staking a claim in the universe. Thus, the exhibition anchors on the notion that the interpretation of the built environment is a critical method of understanding one’s sense of and belonging to a place.

As it stands today, the megalopolis of Metro Manila arose from the ruins of an older colonial city leveled by the Second World War. As such, the re-born capital is conceived in its current context as an adolescent city in flux.

In theory, “adolescence” describes the struggle for identity that Metro Manila now confronts. Through the selective investigation of nine post-war buildings and urban elements, Muhon aims to elicit conjectures that reconcile opposing vectors of progress and of permanence. It essays the implications of the careless destruction of a fraught architectural inheritance and the lack of consciousness about the dilemma.

In tracing each muhon through its history, modernity, and conjecture, the Pavilion is an attempt to understand a city’s identifying markers— to interpret their meaning, and to discern their value. It aspires to be a platform for a collaborative and collective act of reflection about a built environment on the brink of vital renewal or irreversible decay.





FRAMING THE SPECTACLE OF SPACE
Juan Arellano, Architect-Painter

Tall and Open Galleries
October 27 to December 29, 2017



Ang kabuuan ng mga likha ni Juan Arellano bilang arkitekto at pintor ay puno ng katangiang teatrikal, kung saan ang mga espasyo ay nakabalangkas upang isakatawan ang espektakulo at drama. Sinusuri ng eksibisyon ang buhay at likha ni Arellano sa pamamagitan ng lente ng teatro sa loob ng istruktura ng kolonyal na pagtatanghal, aliw ng Hollywood at Broadway, at ng eksenang arkitektural.  Ang katangiang teatrikal ay tumutukoy sa espektakulo, anyo, at dramaturhiya sa pamamagitan ng paghahayag ng mga buhay na espasyo.

Bilang alagad ng sining, nagpinta si Arellano nang pakaba-kabanata at may impresyonismong kaganapan. Ang mga pintang tanawin niya ay may taglay na malakas na aurang mala-eksena, samantalang ang mga pigura ay tila binubuo ng hiwa-hiwalay na porma. Mayroong mga kilos na mala-teatro, at mga tagpuang nakatanghal nang may elementong arkitektural sa kapaligiran at nakakuwadro sa simbolikong prosenyo.  

Gayundin, ang arkitektura, disenyong tanawin, at anyong lunsod ni Arellano ay lumikha ng mga espasyo ng panunuod at pagtatanghal, na nagbubuod sa araw-araw na buhay at espektakulo ng bansa.  Ang kanyang disenyo ng mga punong-lungsod, kapitolyo, at monumento ay nagsilbing mabisang simbolo ng pambansang kapangyarihan.

Wala nang hihigit pang arkitektura ng estado na nagpapamalas ng pagbuo ng pambansang alaala maliban sa Metropolitan Theater, na natapos noong 1931.  Matatagpuan sa kasalukuyang Lawton, Maynila -- kung saan naisakatuparan ni Arellano ang kanyang plano sa pamamagitan ng mga istruktura mula Ilog Pasig hanggang Taft Avenue -- ang Metropolitan Theater ay pananda ng kasaysayan ng lungsod  bilang isang sentro at simula ng unti-unting pagkasira, o di kaya naman isang pagbabanyuhay, sa muling paghawi ng telon nito.

Juan Arellano's corpus of work as an architect and a visual artist is suffused with a theatrical quality in which spaces are framed to embody spectacle and device of drama.  This exhibition probes the creative life and works of Arellano through the thematic lens of theater and theatricality within the matrix of colonial pageantry, Hollywood and Broadway amusement, and architectural scenography.  Theatricality is about spectacle, appearance, and dramaturgy through the mediation and articulation of the lived space.

As an artist, Arellano portrayed paintings with episodic and impressionistic scenarios. His landscapes take on vivid scenographic auras, while his figures are discerned as compartmented forms. There are depictions in theatrical gestures and staging of scenes with architectural backdrops, framed by the symbolic proscenium.  

Likewise, Arellano's architecture, landscape design and urban form created spaces of spectatorship and performance, enframing everyday life and the spectacle of the nation. His designs for capital cities, capitol buildings and national monuments served as potent symbols of national power.

Nowhere is the construction of national memory more profoundly played out in state architecture than in Arellano's Metropolitan Theater, completed in 1931. Located in present-day Lawton, Manila -- where Arellano realized his vision with structures that stretch from the Pasig River to Taft Avenue -- the Metropolitan Theater marks the history of the city as a center and as a vortex of a decline, or perhaps a metamorphosis, as its curtain rises again.





DISTINCT REFINEMENTS: PAINTING FROM THE PROVINCES

Tall Galleries
June 22 to November 18, 2017

Guest curator:
Professor Santiago Albano Pilar



Bawat kultura ay lumilikha ng kanyang natatanging kahusayan.

Layunin ng koleksiyon ng sining ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na pinalawig noong 1981, na makabuo ng komprehensibong koleksiyon ng mga pinta mula sa mga lalawigan. Ang mga likhang ito ay nagpapahiwatig ng mga pagkakaiba at mga malikhaing gawi na yumabong sa iba't ibang panig ng bansa. Dulot ng malapit at likas na ugnayan sa kanilang mga paksa, kasamang inilarawan ng mga pintor buhat sa mga probinsya ang mga kawili-wiling detalye gaya ng kapitbahay na nakadungaw sa bintan, mga batang masayang naglalaro sa kalayuan, kababaihang naghuhuntahan, at maging mga alagang hayop.

Isang karangalan para sa BSP Art Collection ang pagkakaroon ng mga likha ng mga pintor mula sa mga lalawigan, kabilang dito ang noo'y di nakikilalang si Pedro Ardena ng Capiz, na nakapagtanghal sa St. Louis Universal Exposition noong 1904. Marangal at matagumpay na ipininta, ang mga natatanging kahusayang ito ay nagpapayabong sa diwa ng sining at pamanang Pilipino.

Every culture produces its distinct refinements.

The art collection of the Bangko Sentral ng Pilipinas, significantly expanded in 1981, intended to assemble a comprehensive collection of paintings from the provinces. These works intimate the various peculiarities and artistic tendencies that developed in the different part of the country. With personal and natural familiarity their subjects, the painters from the provinces included quaint details such as a neighbor peering out the window, children gaily playing in the distance, women huddled in chance conversations, and even cherished pets and animals.

It is a meritorious distinction of the BSP Art Collection to own works of painters and paintings from the provinces, including the likes of previously unacknowledged Pedro Ardena from Capiz, who exhibited in the St. Louis Universal Exposition in 1904. Painted with dignity and accomplishment, these distinct refinements contribute to the spirit of Filipino art and heritage.



Museum hours: Monday to Saturday 10:00 am to 5:30pm
Gold and Pottery Galleries: Monday - Friday 10:00am to 4:30pm