Fascination with Filipiniana: The Vargas Museum Collection

Tall Galleries

April 21 – July 21 2018

Fascination with Filipiniana: The Vargas Collection

Itinatampok sa eksibisyon ang mahalagang seleksyon mula sa Jorge Vargas Collection ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Ang koleksyon – masinop na nilikom bago, habang, at matapos ang Digmaan sa Pasipiko – ay binubuo ng mga likhang-sining, memorabilya, selyo, barya, at mga libro.

Tumutukoy ang pamagat sa dalawang saligan. Kawilihan ang salin sa wikang Filipino ng Fascination, ito rin ang pangalan ng malaking bakuran at galeriya ni Vargas kung saan nakalagak ang kanyang koleksyon bago ito inilipat sa Unibersidad ng Pilipinas. Ipinahihiwatig din ng ‘kawilihan’ ang likas na pag-uugali, gawi, at masidhing hilig ni Vargas sa pangongolekta. Ang salitang fascination ay nagsasangkot din sa “nation,” usaping pinagtuonan ng pansin ni Vargas noong siya ay naging kawani ng pamahalaan at bilang isang kolektor.

Isa pang nag-uudyok ay ang Filipiniana. Ito ay tumutukoy sa kabuoan ng mga kagamitang nakolekta ni Vargas sa paglipas ng panahon. Sa pagsasama ng “fascination” at “Filipiniana,” binabaybay ng eksibisyon ang ginampanan ni Vargas sa kasaysayan ng sining at kultura ng Pilipinas. Dito nagsasalubong ang estetiko at ang pulitikal sa layuning tipunin ang mga piraso ng isang bansa mula sa guho ng digmaan, ang pangako ng isang bagong Republika, at ang simula ng isang museo.

The exhibition presents a significant selection of the Jorge Vargas Collection of the University of the Philippines at Diliman. The collection — gathered diligently before, during, and after the Pacific War — consists of art, memorabilia, stamps, coins, and books.

The title speaks to two references. Fascination is a translation of the Filipino word Kawilihan, the name of Vargas’s compound and gallery that housed his collection before it was transferred to the University of the Philippines. Kawilihan underlies Vargas’s instinct, habit, and passion for collecting. The word fascination also implicates “nation,” the discourse with which Vargas was concerned when he performed various roles as a government official and a collector.

The other impulse is Filipiniana. This refers to the corpus of materials that Vargas had collected over time. In bringing “fascination” and “Filipiniana” together, the exhibition rounds out Vargas’s place in the history of Philippine art and culture. Here, the aesthetic and the political intersect in the project of gathering the pieces of a nation amid the ruins of war, the promise of a modern Republic, and the birth of the museum.

In the Wake of War and the Modern: Manila, 1941 to 1961

Galeriya Bangko Sentral ng Pilipinas

April 21 – July 21 2018

In the Wake of War and the Modern: Manila, 1941 to 1961

Upang siyasatin ang ugnayan sa pagitan ng mga koleksyon ng Vargas Museum sa Unibersidad
ng Pilipinas at ng Bangko Sentral ng Pilipinas, pinagtutuunan ng eksibisyong ito ang relasyon ng kolektor na si Jorge Vargas at ng Lungsod ng Maynila. Ukol dito, dalawang aspeto ang nangingibabaw: ang ginampanan ni Vargas sa pulitika bilang Punong-Lungsod ng Maynila noong panahon ng Hapon at ang pagsibol ng tinatawag na ‘Mabini Art’ sa Maynila. Ang mga likhang-sining ay inilako sa kalye ng Mabini, nakilala sa pagiging komersyal, maaari din namang iugnay sa pagprotesta ng mga di umano’y konserbatibo mula sa patimpalak ng Art Association of the Philippines noong 1955. Masalimuot nitong tinutukoy ang modernismo bilang kaisa-isang pamamaraang estetiko na humubog sa produksyon ng sining at kulturang biswal matapos ang Digmaan sa Pasipiko.

Binibigyang-diin ng eksibisyon ang 1961 bilang mahalagang taon kay Vargas. Itinalaga siya bilang Rehente ng Unibersidad ng Pilipinas kung saan niya ipinagkaloob ang kanyang
koleksyon, isang institusyon na unang itinayo sa Maynila. Noong 1941, hinirang siyang Punong-Lungsod ng Maynila ng pamahalaang Hapon. Kaakibat si Vargas bilang tagapagbunsod ng malalim na pagsusuri, ang koleksyong ito ng likhang-sining at sinupan ay humihikayat ng talakayan sa kasaysayan ng pagkolekta sa Pilipinas sa konteksto ng pamumuhay ng mga pulitiko tulad ni Jorge Vargas at ng mga institusyong tulad ng Vargas Museum at ng Metropolitan Museum of Manila, ng Unibersidad ng Pilipinas, at ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

To explore the angle of interaction between the Vargas Museum of the University of the Philippines at Diliman and the Bangko Sentral ng Pilipinas collection, the exhibition focuses on the relationship between the collector Jorge Vargas and the city of Manila. In this regard, two aspects surface: the political role of Vargas as Mayor of Manila during the Japanese period and the emergence of so-called Mabini art in Manila. The art peddled along Mabini Street, thought to be predominantly commercial, may be traced to the walk-out of the so-called conservatives from the Art Association of the Philippines competition in 1955. It complicates modernism as the only aesthetic system that shaped the production of art and visual culture after the Pacific War.

The exhibition marks 1961 as an important year for Vargas. He was appointed Regent of the University of the Philippines to which his collection was donated, an institution that had its origins in Manila. In 1941, he was named Mayor of Manila by the Japanese occupying forces. With Vargas as a fulcrum of critical reflection, this collection of art and archive initiates a conversation on the history of collecting in the Philippines in the context of the life of political figures like Jorge Vargas and institutions like the Vargas Museum and the Metropolitan Museum of Manila, the University of the Philippines, and the Central Bank.

ELMER BORLONGAN

An Extraordinary Eye for the Ordinary

Ground Floor Galleries
January 22 to March 28

ELMER BORLONGAN

With an extraordinary eye for the ordinary, Elmer Borlongan re-presents the Filipino going about life. A tradition that goes back to: Damian Domingo, Jose Honorato Lozano and Justiniano Asuncion whose depictions of 19th century Philippine life have come down to us as Tipos del Pais (Country Types), but where the founding fathers of this style of painting left off Borlongan set off inspired by 20th century masters: Onib Olmedo, Danilo Dalena, and Jaime de Guzman breathing new life into genre with: color, form, and a trademark humor that elevates the familiar into Art.

Inspired by the work of National Artist Carlos V. Francisco best known for his murals that highlighted slices of life from Philippine history and his own backyard in Angono, Borlongan drew his early imagery from the backstreets of Nueve de Febrero in Mandaluyong, his coming of age, in life and art, formed by the political upheavals that saw the beginning of the Marcos dictatorship in 1972 and its end in 1986. From EDSA I, II, and III to Duterte, Borlongan brought his art from urban to rural and back to the urban such that he returned to the place where he started but saw it anew, like the first time producing past, present and future merged seamlessly in his works.

DISTINCT REFINEMENTS: PAINTING FROM THE PROVINCES

Tall Galleries
June 22 to November 18, 2017

Guest curator:
Professor Santiago Albano Pilar

DISTINCT REFINEMENTS- PAINTING FROM THE PROVINCES

Bawat kultura ay lumilikha ng kanyang natatanging kahusayan.

Layunin ng koleksiyon ng sining ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na pinalawig noong 1981, na makabuo ng komprehensibong koleksiyon ng mga pinta mula sa mga lalawigan. Ang mga likhang ito ay nagpapahiwatig ng mga pagkakaiba at mga malikhaing gawi na yumabong sa iba’t ibang panig ng bansa. Dulot ng malapit at likas na ugnayan sa kanilang mga paksa, kasamang inilarawan ng mga pintor buhat sa mga probinsya ang mga kawili-wiling detalye gaya ng kapitbahay na nakadungaw sa bintan, mga batang masayang naglalaro sa kalayuan, kababaihang naghuhuntahan, at maging mga alagang hayop.

Isang karangalan para sa BSP Art Collection ang pagkakaroon ng mga likha ng mga pintor mula sa mga lalawigan, kabilang dito ang noo’y di nakikilalang si Pedro Ardena ng Capiz, na nakapagtanghal sa St. Louis Universal Exposition noong 1904. Marangal at matagumpay na ipininta, ang mga natatanging kahusayang ito ay nagpapayabong sa diwa ng sining at pamanang Pilipino.

Every culture produces its distinct refinements.

The art collection of the Bangko Sentral ng Pilipinas, significantly expanded in 1981, intended to assemble a comprehensive collection of paintings from the provinces. These works intimate the various peculiarities and artistic tendencies that developed in the different part of the country. With personal and natural familiarity their subjects, the painters from the provinces included quaint details such as a neighbor peering out the window, children gaily playing in the distance, women huddled in chance conversations, and even cherished pets and animals.

It is a meritorious distinction of the BSP Art Collection to own works of painters and paintings from the provinces, including the likes of previously unacknowledged Pedro Ardena from Capiz, who exhibited in the St. Louis Universal Exposition in 1904. Painted with dignity and accomplishment, these distinct refinements contribute to the spirit of Filipino art and heritage.

MAPPING THE PHILIPPINE SEAS:

Maps and charts of the Philippine archipelago

from the 16th to the 19th centuries

Tall Galleries
March 15 to May 31, 2017

MAPPING THE PHILIPPINE SEAS

Ang Mapping the Philippine Seas ay eksibisyon ng mga natatangi’t makasaysayang mapa at karta ng kapuluan ng Pilipinas at mga karatig karagatan mula unang bahagi ng ika-16 hanggang sa wakas ng ika-19 na siglo. Tampok dito ang 165 orihinal na mga mapa at karta ng mga karagatan mula sa pribadong koleksyon ng mga kasapi ng PHIMCOS, mula sa GSIS, at isang reproduksyon ng Mapa ng Selden mula sa Bodleian Library sa Oxford.

Sa pamamagitan ng kartograpiya, ipinaliliwanag sa eksibisyon ang makasaysayang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa mga ruta ng kalakalan sa karagatan ng Silangan at Timog-Silangang Asya. Tampok din ang mga paglalakbay sa pagtuklas at paggamit ng mga ruta ng kalakalan ng mga Europeong manlalakbay, mananakop, at mangangalakal sa paghahanap ng bago, mabilis, at higit na ligtas na rutang pangkaragatan sa pagitan at loob ng kapuluan ng Pilipinas; at ang paggamit ng siyentipikong hidrograpiya upang mapabuti ang mga karta at gayundin ang kaligtasan ng mga mandaragat.

Nagsisimula ang eksibisyon sa mga mapa ng ika-16 na siglo na gawa ng mga manlalakbay na Portuges, Kastila, at Olandes, kabilang si Ferdinand Magellan. Makikita rin ang mga magarbong mapa mula Ginintuang Panahon ng kartograpiyang Olandes mula sa ika-17 siglo, kasama ang mga detalyadong kartang pangkaragatan inilathala sa Italya noong 1646. Sa bahagi ng ika-18 siglo tampok ang natatanging halimbawa ng kilalang mapa ng Pilipinas ni Padre Pedro Murillo Velarde, gayundin ang mga kartang Ingles ni Alexander Dalrymple at mga pangunahing manlilimbag ng mga kartang pangkomersiyo sa Londres. Ang ika-19 na siglo ay kinakatawan ng malawak na seleksyon ng mga kartang inilathala ng mga almirante ng Espanya, Britanya at Pransya, at ang kartang kaugnay ng Kasunduan sa Paris noong 1898.

Mapping the Philippine Seas is an exhibition of rare historical maps and charts of the Philippine archipelago and its surrounding seas from the early 16th century to the end of the 19th century. The exhibition showcases 165 original maps and sea charts from the private collections of PHIMCOS members, from GSIS, and a reproduction of the Selden Map courtesy of the Bodleian Library in Oxford.

Through cartography, this exhibition explains the historical importance of the Philippines’ location along the maritime trade routes through East and Southeast Asia. It highlights the voyages of discovery and use of trade routes made by European explorers, colonists, and traders, the search for new, faster and safer sea passages around and through the Philippine archipelago, and the use of scientific hydrography to improve the charts and thereby the safety of seafarers.

The exhibition starts with maps of the 16th century made by Portuguese, Spanish and Dutch explorers, including Ferdinand Magellan. Highly decorative maps from the Golden Age of Dutch cartography in the 17th century are displayed, together with detailed sea charts published in Italy in 1646. From the 18th century the exhibition includes a rare example of Fr. Pedro Murillo Velarde’s famous map of the Philippines, as well as English charts by Alexander Dalrymple and the principal commercial chart publishers in London. The 19th century is represented by a wide selection of charts produced by the admiralties of Spain, Britain and France, and the chart attached to the Treaty of Paris of 1898.

SEASCAPES: Tranquility and Agitation

Galeriya Bangko Sentral ng Pilipinas

March 22 to May 6, 2016

SEASCAPES- Tranquility and Agitation

Ang kapuluan ng Pilipinas ay tahanan ng ilang mabungang pananahan sa Timog Silangang Asya. Batay sa kasaysayan, ang kapuluang ito ay tagpuan ng palitang ekonomiyal at kultural, nagtataglay ng masiglang pag-agos ng kalakalang pandagat, kolonisasyon, at mga ugnayang tawid-rehiyonal. Sa pamamagitan ng kultura’t tradisyon, pumukaw sa pagdagsa ng iba’t ibang aktibong anyong-sining at pagsungaw ng mga kaisipan sa paglalayag. Ipinapahayag sa Tanawing-dagat: Payapa at Balisa ang dalawang anyo ng tugunan sa pagitan ng mga tema at larawang kaugnay ng karagatan at kalapit usapin. Ilang pinta ng tanawin ang naglalahad ng payapang kapaligiran, mula sa mga tahimik na ibabaw ng mga burol at labangan hanggang sa mga nakikitang kabuhayan ng mga pamayanan. Gayun pa man, kasabay nito ang umiinit na tensyon sa mga karagatan kawing sa laro ng kapangyarihan, teritoryo, at pagkakakilanlan. Nagtatagpo ang karaniwan at ligalig samantalang tinatalakay ang sandali sa pagitan ng luma at kasalukuyang katangiang heopolitikal.

The Philippine archipelago is home to several fertile habitations in South East Asia. Historically, the island cluster is a locus of economic and cultural exchange, possessing a dynamic current of maritime trade, colonization, and cross-regional connections. Through culture and tradition, it stimulated the coming of many vibrant art forms and nascent thoughts of sea fare. Seascapes: Tranquility and Agitation expresses a twofold correspondence between motifs and images in connection with the seas and its immediate contentions. A series of landscape paintings convey these peaceful sceneries, from its lulling crests and troughs to the visible activity of local livelihood. Concurrent to this, however, is the brimming tension of the seas interlocked with power-play, territory, and identity. The familiar meets the turbulent while touching on a juncture between old and current geopolitical strains.

Abot-Tanaw: Tracing Local Horizons

In celebration of National Heritage Month

White Cube Gallery
May 08 to June 23, 2017

“Abot-tanaw: Tracing Local Horizons” (Abot-tanaw: PagtahaksaatingmgaGuhit-Tagpuan) ay eksibisyong tumutunghay sa likas na kagandahan ng Pilipinas mula sa mga lente ng mga potograpo’t kanilang paglilibang. Kuha mula sa mga sikat na lugar sa ating kapuluan, ang mga larawan ay nagpapamalas ng kaakit-akit na ugnayan ng mga tanawing kubkob ng langit at lupa. Makikita ang mga kilalang istruktura, monumento, at mga gamit sa hanap buhay na nagpapahiwatig sa mga bakas ng gawain at sigla na sumasalungat sa matamlay na lokasyon at pamayanan. Parating makikita sa mga larawanang mga yugto ng dapit-hapon mula sa paglubog ng araw hanggang takip silim, ang paglipas ng panahon, at angkaakit-akit nitong pagpapalit. Ang interpretasyon sa abot-tanaw ay higit pa sa pangunahing paglalarawan. Tinatahak nito ang pagpapahayag ng malalim na diwa ng pag-asa at paghinagap sa bukas.

“Abot-tanaw: Tracing Local Horizons” is an exhibition that looks to the natural beauty of the Philippines, seen through the lens of avocational photographers. Taken from popular locations around the archipelago, the vistas create a picturesque continuity between sweeping landscapes enveloped by the sky and earth. Capturing recognizable architectural structures, monuments, and objects of livelihood suggest a footprint of activity and energy that contrasts the lull of the location and community. Consistent among the photographs are the cyclical phases of the twilight from sunset to dusk, relating to the passage of time, and the beauty in its interlude. The interpretation of abot-tanaw or horizon goes beyond its principal description to express a deeper sense of hope and anticipation for the future.

This exhibition is presented as part of the National Heritage Month celebration.

2017 MET International Artist in Residence

presents Maria Jose Arjona

‘Practice’

Open Gallery
February 11 to May 4, 2017

2017 MET International Artist in Residence

May pagtukoy ang salitang Practice sa kilos at sa espasyo, nagbibigay-daan sa paguugnayan ng pagtatanghal at ng kaalaman. Sabay nitong pinasisimunuan ang pagsasagutan sa pagitan ng dalawang tunggalian. Sinusuhay ang halaga ng banggaang ito, at hinahatid sa isang kalawakang bumubuo ng malikhaing kaisipan sa pamamagitan ng panahon.

Sa kapanatagang ang mga prosesong rasyunal ay nakabigkis sa depinisyon ng kaalaman, ipinapalagay ng Practice ang pagsisiyasat ng mga tagpuan kung saan ang katawan ay bumabagtas sa rasyonalidad, upang makintal ang kamalayan ng mas komprehensibong pagtangkilik sa mga posibilidad ng malikhaing pag-iisip.

Ang katawan – bilang isang nilalang sa loob ng mapang-angkop na ligid ng mga ideyang nabanggit – ay nagiging topograpiyang lugar ng tunggalian, at samantalang tagapagtaguyod ng kapwa rasyunal at di-rasyunal na kaalaman.

Ipinapahayag ng Practice ang katawang kumakandili sa kaisipan, sa pamamagitan ng danas ng arawang pagpapalitan. Kasabay nito ang pagbuo ng mga banghay ng pakikisalamuha sa panahon ng pamamalagi ng manlilikha. Mahalaga ring mabatid ang pilosopiyang dumadaloy mismo sa payak na tekstong ito, dahil umiiral lamang ang kaisipan sa pagpili at pagkilala sa ating kapwa.

“May bagay sa daigdig na pumipilit sa ating mag-isip. Hindi ito dulot ng pagkakilanlan, kundi ng isang makabuluhang pagtatagpo.”

Gilles Deleuze

 

PRACTICE

The actual application or use of an idea, belief, or method as opposed to theories about such application or use. Repeated exercise in or performance of an activity or skill so as to acquire or maintain proficiency in it. habitually/ regularly / training /rehearsal/ repetition/ preparation/ application / exercise/ use/ operation/ implementation/ execution.

The word Practice functions as an action and as space, allowing a basic relation to happen between performance and knowledge. It simultaneously triggers an interaction between two bodies, underlining the relevance of that encounter and transforming it into a plane where creative thought is produced within the frame of time.

Having the contingency of rational processes tied to the definition of knowledge, Practice pretends to explore the paths by which the body overpasses rationality in order to incorporate awareness to a more comprehensive approach to what creative thinking could be.

The body, perceived as entity within the flexible borders of these ideas, becomes metaphorically speaking, the topography where the encounter happens at the same time the enabler of both rational and non-rational knowledge.

Practice announces the body fostering thought via the experience of daily exchanges while delivering maps of human interaction during the stay of the artist. It is also important to underline the philosophy running underneath this simple text, since thought can only exist when we chose to acknowledge the other.

“Something in the world forces us to think. This something is an object not of recognition but of a fundamental encounter”

Gilles Deleuze