Hablando con Dios

MET x LARA International Artist in Residence
Featuring Glenda Leon
Open Gallery | Jun 2 to Aug 18, 2018

Binalot ng tagulaylay ang loob ng Barokong simbahan na may pagpapahiwatig ng paggalang at kinuyom na ligalig. Ang mga mananamba ay nakaupo sa mga silya, naliligiran ng makalangit na liwanag. Samantalang nakayuko’t tila nananalangin, sa ilang saglit lang ay ilalantad ng bidyo na ang mga mananamba ay abala sa kanilang mga cellphone, isang gamit na bahagi na ng ating mga buhay. Sa pagbago ng bilis ng tagulaylay, maaaring hindi mapapansin ang teknolohikal na pag-iiba ng ingay ng paniki – gumagaya sa tunog ng tao. Dahil isang panggabing hayop, ang paniki sa Kanluraning kultura ay iniuugnay sa Demonyo. Sa pagwawakas, unti-unting tutuloy ang bidyo sa isang makalangit na tanawin kung saan ang mga iskrin ay mistulang talanyo ng mga bituin.

Pakikipag-usap sa Diyos (Hablando con Dios, Talking to God) ay tumutukoy sa maling paglulugar ng teknolohiya bilang isang kontemporaryong pangyayari, at ang pagtanggal sa kabanalan at panuntunan. Sa pamamagitan ng representasyon bilang kahalili ng totoo, ipinapakita ang grupo ng hiwa-hiwalay na tao, taglay ang tahimik na debosyon sa kawalan. Samantalang ang paligid ng isang Katolikong simbahan ay nagpapaalala ng taimtim na pakikipag-usap sa isang Diwang Makalangit, o kaya’y pagtatampok ng Pananampalataya, ang katotohanang ang mga tao ay abala sa kanilang mga cell phone ay sumasalamin sa papel ng teknolohiya sa ating kasalukuyang buhay. Posible kayang “i-update” ang ating pananaw sa Pananampalataya?

Bihira, lalo sa panahon ngayon ng Internet, na ating nagagawang maabot ang ganap na karunungan at maipamalas ang bisa ng pagsalahat ng dako. Hindi kailanman naging ganito kalapit maging kapara ng tao ang Diyos, subalit ang katuturan ay tila palayo ng palayo. Ang kagandahan ng huling bahagi, isang malayong kuha ng tila isang kalangitang puno ng mga bituin, nag-iiwan ng isang napipinto at positibong wakas, kung saan ang mga aspetong teknolohikal at ispiritwal ay nagkakatugma.

The calming chants submerge the Baroque church interior with an expression both of reverence and withheld tension. Its worshippers sit in pews, bathed in ethereal glow. With eyes cast down presumably in prayer, the video soon reveals the worshippers’ preoccupancy with the cell phone, a tool that occupies most parts of our lives. As the chant changes in dynamics, one may not discern the technological alteration of a bat’s call — mimicking human tonality. As a nocturnal animal, the bat is associated with the Devil in Western culture. In closing, the video transitions to an omniscient perspective wherein the screens resemble a constellation of stars.

Hablando con Dios (Talking to God) hones on the misplacement of technology as a contemporary phenomenon, and the desacralization and decentralization of what is canon. Through representation as a substitute of the real, it shows a group of alienated individuals, in silent bearings of devotion to the unknown. While the environment of a Catholic church suggests an intimate conversation with a Higher Self, or an exaltation of the Faith, the fact that people are absorbed in their cell phones raises a reflection on the role that technology plays in our current lives. Is it possible to “update” the way we approach to Faith?

Seldom, as in these times of the Internet, have we had the possibility of reaching absolute knowledge and exercising the power of omnipresence. Never before was the human being so close to resembling God, and yet the essential seems to move further and further away. The beauty of the final frame, a distant shot similar to a starry sky, leaves us a possible, optimistic exit, where both elements, the technological and the spiritual, come into harmony.