Ties of History: Art in Southeast Asia

Ground Floor

August 8 – October 6 2018

Itinatanghal ng Pilipinas ang eksibisyon ng kontemporaryong sining sa Timog-Silangang Asya sa Maynila bilang paggunita sa ika-50 taon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Pinamagatang Ties of History: Art in Southeast Asia (Pinagbigkis ng Kasaysayan: Sining sa Timog-Silangang Asya), tinitipon nito ang sampung manlilikha ng sining na kumakatawan sa mga estadong kasapi ng organisasyon. Hango mula sa Deklarasyon noong 1967, ang pariralang ito ay nagpapahiwatig sa mga kaloob at pasanin dulot ng pagkakabuklod at ng pagkakaiba-iba sa isang rehiyon na inaakalang napagbabahiganan. Tumatalakay ang mga gawa ng mga manlilikha ng sining sa masalimuot at produktibong kondisyong ito samantalang ipinapamalas ang mga pamamaraan kung saan ang iba’t ibang hibla ng pagkatao bilang mga mamamayan at manlilikha ng sining ay hinahabi at kinakalag sa layuning lumikha ng pagkakakilanlan sa mga itinakdang lugar, lumikha ng mga bansa sa isang pandaigdigang mundo, at lumikha ng mga rehiyon sa gitna ng mga gubat at kapuluan sa heopoetikong gawi ng kontemporaryong sining.

Kasabay ng pagbuo ng mga manlilikha ng sining ng malikhaing ugnayan sa rehiyon sa ngayon ay ang pagsuyod nila sa mga sulok ng kasaysayan ng sining buhat noong dekada 70 hanggang sa kasalukuyan. Nagbabatay sila sa mga partikular na tagpo sa kasaysayan sa pamamagitan ng paglilimi sa kosmolohiya, kasarian, gunita, migrasyon, kalikasan, digmaan, at pang-araw-araw na buhay. Ang eksibisyong ito ay isang pagtataya ng kontemporaryong sining at masinop na pag-aaral ng buhay-sining. Mayroong tatlong pangkat ng kasanayan mula sa bawat manlilikha ng sining na nagnanais na pagdugsungin ang mga adhika sa larangan at hindi lamang likumin ang magkakaibang halimbawa mula sa kasaysayang pangsining at sa pamilihan nito. Sinisikap nitong maglagi sa maselang proseso ng malikhaing pagbabago at paglago. Nagpapatunay na ang malikhaing kasanayan ay hindi kusang nabubuo subalit umuusbong mula sa mga kalagayan ng patuloy na pagsisinop.

Tinutuonan ng eksibisyon ang mga pangangailangan ng bawat manlilikha ng sining at tinatangkilik ang sari-saring ugnayan ng mga anyo sa magkakaibang lugar gaya sa isang museo ng moderno at kontemporaryong sining, sa museo ng isang korporasyon, at museo ng isang unibersidad. Kumikilos ang mga anyong ito sa isang masiglang espektro: mga pinta at iskulturang bunsod ng akademikong pag-aaral at kulturang popular; instalasyon ng mga kakaibang materyales tulad ng kusot at tela; butas-butas na kambas; bidyo at pagganap; potograpiya; guhit; at mga tunog. Sila ay hinubog ng pagsasaliksik, aktibismo, gawaing pangkalinangan, at marubdob na pagsasalin ng kaalaman at karanasan sa isang rehiyong binuo mula sa mga mariringal na tradisyon, sunod-sunod na kolonyalismo, at maligalig na daloy ng mga buhay at kalakal.

The Philippines presents an exhibition of contemporary art in Southeast Asia in Manila to mark the 50th year of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Titled Ties of History: Art in Southeast Asia, it gathers ten artists to represent the member-states of the organization. Taken from its Declaration in 1967, the phrase may allude to the blessings and burdens of being together and being different in a region that is thought to be shared. The works of the artists speak to this complex and productive condition as they express the many ways by which the various strands of subjectivity as citizen-artists weave and unravel in the project of making selves in particular places, making nations in an international world, and making regions across forests and islands in the geopoetic gestures of contemporary art.

As the artists configure the creative ecology of the region today, so do they scan the contours of art history from the seventies to the present. They reference specific moments of articulating this history through thoughtful reflections on cosmology, gender, memory, migration, nature, war, and everyday life. The exhibition is a survey of contemporary art and a diligent study of artistic life. It selects three sets of practices from each artist in its effort to constellate endeavors in the field and not merely to gather isolated specimens from both art history and the art market. It tries to dwell on the sensitive process of artistic transformation and maturity and it affirms artistic practice to be not fully formed but rather emerging from situations of constant forming.

The exhibition is attentive to the interests of each artist and appreciates the different relationships among forms in diverse settings of a modern and contemporary art museum, a corporate museum, and a university museum respectively. These forms play out within a dynamic spectrum: painting and sculpture informed by academic education and popular culture; installation from ingenious materials like sawdust and fabric; perforated canvas; video and performance; photography; drawing; and sound scape. They are shaped by research, activism, cultural work, and intense translations of knowledge and experience in a region built on the great traditions, successive colonialisms, and hectic traffic of species and commodities.

Hablando con Dios
MET x LARA International Artist in Residence – Glenda Leon

Open Gallery

June 2 – August 18 2018

Binalot ng tagulaylay ang loob ng Barokong simbahan na may pagpapahiwatig ng paggalang at kinuyom na ligalig. Ang mga mananamba ay nakaupo sa mga silya, naliligiran ng makalangit na liwanag. Samantalang nakayuko’t tila nananalangin, sa ilang saglit lang ay ilalantad ng bidyo na ang mga mananamba ay abala sa kanilang mga cellphone, isang gamit na bahagi na ng ating mga buhay. Sa pagbago ng bilis ng tagulaylay, maaaring hindi mapapansin ang teknolohikal na pag-iiba ng ingay ng paniki – gumagaya sa tunog ng tao. Dahil isang panggabing hayop, ang paniki sa Kanluraning kultura ay iniuugnay sa Demonyo. Sa pagwawakas, unti-unting tutuloy ang bidyo sa isang makalangit na tanawin kung saan ang mga iskrin ay mistulang talanyo ng mga bituin.

Pakikipag-usap sa Diyos (Hablando con Dios, Talking to God) ay tumutukoy sa maling paglulugar ng teknolohiya bilang isang kontemporaryong pangyayari, at ang pagtanggal sa kabanalan at panuntunan. Sa pamamagitan ng representasyon bilang kahalili ng totoo, ipinapakita ang grupo ng hiwa-hiwalay na tao, taglay ang tahimik na debosyon sa kawalan. Samantalang ang paligid ng isang Katolikong simbahan ay nagpapaalala ng taimtim na pakikipag-usap sa isang Diwang Makalangit, o kaya’y pagtatampok ng Pananampalataya, ang katotohanang ang mga tao ay abala sa kanilang mga cell phone ay sumasalamin sa papel ng teknolohiya sa ating kasalukuyang buhay. Posible kayang “i-update” ang ating pananaw sa Pananampalataya?

Bihira, lalo sa panahon ngayon ng Internet, na ating nagagawang maabot ang ganap na karunungan at maipamalas ang bisa ng pagsalahat ng dako. Hindi kailanman naging ganito kalapit maging kapara ng tao ang Diyos, subalit ang katuturan ay tila palayo ng palayo. Ang kagandahan ng huling bahagi, isang malayong kuha ng tila isang kalangitang puno ng mga bituin, nag-iiwan ng isang napipinto at positibong wakas, kung saan ang mga aspetong teknolohikal at ispiritwal ay nagkakatugma.

The calming chants submerge the Baroque church interior with an expression both of reverence and withheld tension. Its worshippers sit in pews, bathed in ethereal glow. With eyes cast down presumably in prayer, the video soon reveals the worshippers’ preoccupancy with the cell phone, a tool that occupies most parts of our lives. As the chant changes in dynamics, one may not discern the technological alteration of a bat’s call — mimicking human tonality. As a nocturnal animal, the bat is associated with the Devil in Western culture. In closing, the video transitions to an omniscient perspective wherein the screens resemble a constellation of stars.

Hablando con Dios (Talking to God) hones on the misplacement of technology as a contemporary phenomenon, and the desacralization and decentralization of what is canon. Through representation as a substitute of the real, it shows a group of alienated individuals, in silent bearings of devotion to the unknown. While the environment of a Catholic church suggests an intimate conversation with a Higher Self, or an exaltation of the Faith, the fact that people are absorbed in their cell phones raises a reflection on the role that technology plays in our current lives. Is it possible to “update” the way we approach to Faith?

Seldom, as in these times of the Internet, have we had the possibility of reaching absolute knowledge and exercising the power of omnipresence. Never before was the human being so close to resembling God, and yet the essential seems to move further and further away. The beauty of the final frame, a distant shot similar to a starry sky, leaves us a possible, optimistic exit, where both elements, the technological and the spiritual, come into harmony.